-- Advertisements --
Mayroong apat na Senador lamang ang pumirma sa partial report ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, ang mga senador na kasama niyang pumirma ay sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Bam Aquino.
Nangangailangan kasi ng siyam na pirma p ara maipresenta ang report sa plenaryo.
Dahil dito ay hinihikayat niya ang ilang mga Senador na pag-aralan at pirmahan na ang report para maituloy na ang deliberasyon.
Sa nasabing draft report kasi ay inaasahan ang rekomendasyon ng kriminal at administrative case laban sa ilang indibidwal kasama na ang mga dati at kasalukuyang mambabatas na iniuugnay sa anomalya ng flood control projects.
















