-- Advertisements --

Nananatili sa pagamitan ang apat na Pilipinong nasugatan sa naganap na bus crash sa Germany kamakailan.

Ayon sa Philippine Consulate General in Frankfurt, patuloy na ginagamot ang apat na Pinoy sa isang pagamutan sa Bavaria.

Sa kabilang banda, inaayos na rin ng konsulada ang pagpapauwi sa labi ng dalawang Pilipinong nasawi sa naturang aksidente.

Sa kasalukuyan, marami sa mga 27 na Pilipinong sangkot sa aksidente ay naroon na sa Milan, ang iba ay pabiyahe na patungo sa naturang lugar.

Ayon sa konsulada, sinusuri na ng PH authorities ang mga akmang legal assistance na maaaring maibigal sa lahat ng mga apektado sa naturang aksidente para masuportahan kapwa ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya.

Bago nito ay binisita rin ni Consul General Marie Yvette Abalos at ang Rapid Response Team ng Overseas Workers Welfare Administration ang mga Pilipinong nasugatan habang sila ay patuloy na ginagamot sa ospital.