-- Advertisements --

Bumuwelta si Palace Press Officer Claire Castro kay Vice President Sara Duterte matapos manawagan ito na magbitiw si President Ferdinand Marcos Jr sa kanyang talumpati sa harap ng mga tagasuporta nitong Biyernes.

Kabilang sa mga batikos ni Duterte laban sa pangulo ang umano’y kakulangan sa pagtugon sa problema sa flood control at iba pang usapin sa pamamahala.

Sinabi ni Castro na dapat umanong tanungin kung bakit nais ni Duterte na mapababa sa puwesto ang pangulo.

Tungkol naman sa mga pahayag ni Duterte sa malawakang pagbaha, sinabi ni Castro na hindi itinatanggi ng administrasyon ang problema at patuloy ang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.

Hinamon din ni Castro si Duterte na unahin ang isyu ng pagbaha sa Davao city, habang sinabi niyang patuloy namang tumutugon si Marcos sa mga lugar na apektado ng pagbaha.