-- Advertisements --

Nananawagan si Senador Bam Aquino na tanggalin na ang Value-Added Tax o VAT at Excise Tax sa produktong petrolyo sa bansa.

Naniniwala ang naturang mambabatas na ang mga Pilipino ay damay o nakakaranas ng hirap dahil sa pagtaas ng presyo sa pruktong petrolyo.

Kaugnay nito’y binatikos niya ang pahayag ni Finance Secretary Frederick Go na mayayaman lang ang makikinabang sakaling alisin ang naturang mga buwis sa gasolina o diesel.

Ngunit iginiit ni Sen. Bam na mas maraming sektor ang makikinabang sa oras na tanggalin ang nabanggit na mga buwis sa produktong petrolyo.

Kanyang ipinunto lalo na ang mga libu-libong drivers, operator ng jeepneys, taxis at iba pang pampublikong sasakyan na umaasa sa petrolyo para sa kanilang hanapbuhay.

Kaya’t ayon sa kanya’y dapat gamitin ng gobyerno ang kapangyarihan iginawad ng Kongreso nagpapahintulot para suspendihin nito ang pangongolekta ng excise tax sa langis.