-- Advertisements --
Itinuturing ni US President Donald Trump na ang pag-uwi ng mga sundalo nila sa Iraq ay isang tagumpay sa Estados Unidos.
Ipinamagmalaki nito na natapos sa kaniyang pamumuno ang tagumpay ng US sa paglaban sa mga ISIS group.
Hindi ito pinalagpas ang mga nagdaang pangulo ng US dahil sa hinayaan nilang mamayagpag ang ISIS at umatake pa sa US.
Giit nito na sa unang termino pa lamang ay naging matindi na ang paglaban nito sa teroristang grupo.
Ikinalungkot nito na mayroong 4,500 na mga sundalo ng US ang nasawi at mahigit 31,000 na ang nasugatan mula ng simulan ang giyera nila sa Iraq.
















