LAOAG CITY – Nakabalik na ang mga hiker na nauna nang nai-report na nawawala matapos umakyat sa Mt. Sicapo na itinuturing na pinakamataas na rurok sa lalawigan na matatagpuan sa pagitan ng Ilocos Norte at Abra, na may taas na 7,746 feet above sea level.
Ayon sa Office of Civil Defense Region I sa 1st District Congressional Office, ang dalawang umakyat sa Mt. Sicapo ay residente ng Quezon City at Cainta Rizal habang ang dalawa ay residente ng bayan ng Nueva Era na gumabay sa kanila.
Sinabi ni Governor Cecilia Araneta-Marcos na agad na pinuntahan ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Marine, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Medical Team at iba pa ang mga hiker upang matiyak na hindi sila nasaktan.
Ayon kay ABC President Jondie Bayudan sa bayan ng Nueva Era, umakyat ang mga hiker sa Mt. Sicapo noong Marso 2 at inaasahang bababa sana noong Marso 8 kung saan sila magtutungo sa Karingking River Resort sa bayan ng Solsona ngunit hindi ito nangyari.
















