-- Advertisements --

Naniniwala ang House prosecution na may dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mabahala sa P319.326 milyong remittance mula China at Hong Kong na natanggap ng kumpanyang inuugnay sa asawa ni Vice President Sara Duterte, dahil sa posibleng epekto nito sa pambansang seguridad.

Ayon kay House impeachment team adviser at tagapagsalita Ace Barbers, kailangan ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan at paggamit ng naturang pera.

Sinang-ayunan naman ni House prosecutor at tagapagsalita Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na maaaring magkaroon ng implikasyon sa Konstitusyon at tiwala ng publiko ang mga alegasyon kung mapatutunayan ng ebidensiya.

Gayunman, hindi pa napatunayan sa mga rekord na ang pera ay nagmula sa gobyerno ng China o personal na tinanggap ni Duterte.

Nasa mga senator-judges na ang pagpapasya kung may sapat na ebidensiya upang mapatunayang lumabag sa Konstitusyon o nagtaksil sa tiwala ng publiko ang Bise Presidente.