-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng kakulangan ng suplay ng pagkain sa bansa dahil sa inasahang epekto ng super El Niño.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na mayroong hanggang 125 na araw na suplay ng manok sa bansa.

Maituturing nito na sapat ang nasabing bilang ng suplay ng manok dahil sa normal na mainit na panahon aniya ay mababa ang produksyon ng manok.

Pagtitiyak niya na napapalitan naman ang mga ito kapag bumaba ng hanggang 70 days ang suplay.

Habang ang pork suplay ay mayroong hanggang 170 days pa na itatagal nito bansa.

Wala namang problema ang suplay ng bigas dahil sa nakatulong ang “habagat” para mag-improve ang level ng mga dams.

Maaring sa mga susunod pa na buwan malalaman ang epekto ng suplay palay sa bansa.

Nagkaroon lamang aniya ng problema ang suplay ng mais kaya tumaas ang presyo nito lalo na sa Isabela.