-- Advertisements --

Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na hinikayat siya ng kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman na tumakbo sa Lungsod ng Davao.

Sinabi nito, nais ng kaniyang ina na ang kapatid nitong si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na tumakbo sa national position.

Paliwanag ng Bise Presidente na wala itong naiisip na iba na tumakbo sa anumang posisyon.

Hindi rin aniya nilang napag-uusapan ng kaniyang kapatid ukol sa usaping pulitika.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay pinatawag si Mayor Duterte ng Senate impeachment court para maging testigo ukol sa mga negosyo na pag-aari ng kanilang pamilya na pinopondohan umano ng Chinese government.