-- Advertisements --

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong higpitan ang paggamit ng mga menor de edad ng social media.

Nakakuha ng 287 ang pumabor, tatlo ang kumontra at walang nag-abstain sa pagpasa ng panukalang batas na House Bill 11566 o ang panukalang Safe and Friendly Environment for Kids in Digital Spaces (Safe Acts )Act.

Nilalaman ng panukalang batas ang pagkakaroon ng minimum age requirement para sa social media at ilang digital platform na nagbabawal sa mga bata na 13 anyos na gumawa ng accounts.

Nakasaad din sa panukalang batas na papayagan ang mga may edad 13 hanggang 18 na gumamit ng digital platforms pero mayroong restrictions laban sa mga mapanakit at ipinagbabawal na mga contents, behavorial profiling, unnecessary collection o pamamahagi ng personal informations, pagbili at kahalintulad ng pagsusugal.

Kasama rin panukalang batas ang pagbuo ng Office for Children’s Social Media and Digital Safety sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology na imonitor ang pagsunod sa nasabing panukalang batas na magsagawa ng technical assessements, preliminary investigations at makipag-koordinate sa mga ahensiya ng gobyerno.

Inaatasan din sa nasabing panukalang batas ang National Telecommunications Commission para ipatupad ang nasabing panukalang batas.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas ng paghihigpit ng paggamit sa mga menor de edad ng social media.