Maghaharap sa finals ng Indian Wells Open sina World No. 1 Aryna Sabalenka at World No. 3 Elena Rybakina.
Tinalo ni Sabalenka ang 14th seed na si Linda Noskova sa score na 6-3, 6-4 upang umabante sa huling yugto ng torneo. Samantala, nanaig si Rybakina laban kay Elina Svitolina sa semifinals, 7-5, 6-4.
Unang nagharap ang dalawang magkaribal nitong nakalipas na buwan sa Australian Open finals, kung saan nanaig si Rybakina laban sa top player ng Women’s Tennis Association.
Ang pagkatalo ni Sabalenka sa naturang torneo ang tanging talo pa lamang niya ngayong 2026.
May pagkakataon siyang makaganti mula sa naturang pagkatalo at baguhin ang rekord niya sa Indian Wells finals, kung saan nananatili siyang kulelat (0-2).
Sa kanilang head-to-head record, nagawa ni Sabalenka na ibulsa ang 8 panalo sa 15 laban nila. May tsansa naman si Rybakina na itabla ito sa all-8 kung makukuha niya ang Indian Wells title ngayong 2026.
















