Pinagmulta ang world champion na si Aryna Sabalenka ng kabuuang $7,500 dahil sa ginawang pagbalibag at pagsira sa kaniyang tennis racket kasunod ng pagkatalo sa finals ng US Open 2026.
Maalalang natalo si Sabalenka sa kaniyang kapwa world champion na si Elena Rybakina, 6-4, 5-7, 6-2 sa finals match na ginanap sa Arthur Ashe Stadium nitong nakalipas na lingo.
Sinuri naman ng tournament officials ang ginawa ni Sabalenka at nagdesisyon na ito ay maituturing bilang ‘equipment abuse’ at code of conduct violation.
Otomatiko namang tinanggal ang $7,500 na penalty sa prize money na matatanggap ng dating World No.1 bilang runner-up sa katatapos na turneyo.
Kung babalikan ang naunang statement ni Sabalenka, sinabi niyang kinailangan niyang ilabas ang kaniyang aggresyon matapos ang makasaysayang laban, sa halip na kimkimin o pigilan niya ito.
Bilang runner-up, si Sabalenka ay may prize money na $2.8 million ngunit hanggang $1.5 million lamang ang kaniyang makukuha matapos tapyasin ang federal at state tax, kasama ang penalty.
















