-- Advertisements --
Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong gabi ng Huwebes.
Iniulat nila ang pagbaha sa ilang bahagi ng Quezon City.
Natukoy ito sa EDSA Aurora Tunnel (Northbound), kung saan half-gutter deep ang tubig.
Nadaraanan pa rin ito ng lahat ng uri ng sasakyan ngunit pinag-iingat ang may light vehicles.
Sa EDSA P. Tuazon Tunnel (Southbound/Northbound), gutter deep naman ang baha.
Passable pa rin ito sa lahat ng uri ng sasakyan.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na mag-ingat dahil sa posibleng mabagal na daloy ng trapiko.
Sa Makati at Pasay naman ay naitala din ang pag-ulan ngunit wala pang impormasyon ng mga pagbaha.
















