-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 21 prayoridad na panukalang batas sa ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) full meeting ng ika-20 Kongreso na ginanap sa Malacañan Palace.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, target na maipasa ang mga panukala bago sumapit ang Hunyo at layon ng mga ito na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino, mapalakas ang social protection, at maisulong ang transparency at accountability sa pamahalaan.

Kabilang sa mga prayoridad ang Anti-Political Dynasty Law, Travel Tax Abolition, Anti-Fake News and Digital Disinformation Bill, Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Act, at ang panukalang BARMM Elections.

Kasama rin sa listahan ang Right to Information Act, CADENA Act, Party-List System Reform Act, Independent People’s Commission Act, at mga amyenda sa Bank Deposits Secrecy Law o BRIGHT Act.

Ilan pa sa mga prayoridad na panukala ang mga amyenda sa 4Ps Act, Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, GASTPE Act, Classroom-Building Acceleration Program Act, at ang pagtatatag ng National Center for Geriatric Health.

Kasama rin ang Waste-to-Energy Bill, mga amyenda sa EPIRA at Rice Tariffication Law o RICE Act, pagtatatag ng Department of Water Resources, at ang Estate Tax Amnesty.