Binuksan na ng Quezon City ang isang FIFA-grade football field sa Amoranto Sports Complex.
Kasabay nito ay maaari nang magamit ng mga football enthusiasts ang world-class sports facility para sa training, football competition, at tournament.
Kabilang sa mga feature ng bagong-bukas na pasilidad ay ang high-quality na turf grass na may FIFA-compliant markings, modernong trench drain at drainage system, kalidad na bleachers, atbpa.
Ayon sa city local government, ang bagong proyekto ay bahagi ng inisyatiba ng Quezon City na pag-upgrade sa public sports facilities at isulong ang aktibong lifestyles, grassroots sports development, at samahan ng mga komunidad sa pamamagitan ng sports.
Inaasahang magagamit ang bagong pasilidad sa iba’t-ibang turneyo tulad ng mga local league, school tournament, at community sports programs.
Kasabay din nito ay maglalaan ang QC ng libreng football clinics tuwing araw ng Sabado mula alas-7:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.
















