-- Advertisements --

Nagsimula nang maghanda ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa sa paggunita ng Undas 2026.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noime Cayabyab, alinsunod ang mga hakbang na ito sa direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Transportation Secretary Giovanni Lopez upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero sa dagat.

Isasailalim sa heightened alert status ang lahat ng operating units ng PCG mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang paghahanda sa dagsa ng mga biyahero.

Humigit-kumulang 17,000 personnel ang idedeploy sa buong bansa kabilang ang mga floating asset, deployable response group ng mga rescue personnel, medics, at mga nurse.

Magsasagawa rin ng inspeksyon ang mga K9 unit at maglalagay ng passenger assistance desks sa mga pangunahing pantalan upang agarang matugunan ang mga pangangailangan at seguridad ng publiko.