Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice Admiral Rommel Supangan bilang bagong Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG), kapalit ni Vice Admiral Ronnie Gil Gavan na nakatakda nang magretiro sa serbisyo.
Kumpirmado ang appointment ni Supangan sa pahayag ni Palace Press Officer USec. Claire Castro, kung saan ipinaabot ng Pangulo ang kaniyang buong tiwala sa kakayahan ng bagong pinuno na ipagpatuloy ang mga programa ng ahensya.
Si Supangan ay graduate ng Philippine Military Academy (PMA) Marilag Class of 1995 at nagtapos ng Master of Science in Maritime Affairs, major in Marine Environment and Ocean Management, sa World Maritime University sa Sweden noong 2008.
Bago ang kaniyang bagong posisyon, matagumpay siyang nagsilbi bilang Commander ng PCG Marine Environmental Protection Command, Commander ng Coast Guard Fleet, at Acting Director ng Coast Guard Strategic Studies and International Affairs Center.
Pinangunahan mismo ni Pangulong Marcos ang Change of Command Ceremony at Retirement Ceremony para kay outgoing PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ngayong hapon. (Bombo Analy Soberano)














