Inanunsyo ng Kataas-taasang Hukuman ang pag-arangkada na ng ‘electronic notarization’ ngayong araw, ika-19 ng Oktubre.
Ayon sa Korte Suprema, maaari nang magpanotaryo ang publiko ng kanilang mga ‘electronic documents’ simula nang mailunsad ang ‘eNotarization’.
Layon sa naturang programa na mapadali at mas gawing ‘accessible’ sa taumbayan ang pagpapanotaryo gamit ang kanilang ‘online system’.
Maaaring makapag-avail ng eNotarization sa tatlong nakarehistrong unang batch ng Supreme Court-Accredited Electronic Notarization Facilities (ENFs) na makikita sa kanilang ‘online website’.
Matapos makapagrehistro, maaaring pumili ng Electronic Notary Public mula sa listahan ng mga nakomisyon.
Habang nagbahagi pa sila ng ‘instructional videos’ upang magsilbing gabay sa bagong paraan ng pagpapanotaryo na matatagpuan din sa kanilang ‘official online website’.














