-- Advertisements --

Inaasahan ang P4.30 na roll back sa ilang produktong petrolyo ngayong linggo tulad na lamang ng presyo ng gasolina, habang sisirit naman ang presyo ng diesel ng P2 per liter sa araw ng Martes.

Ayon sa abiso ng Department of Energy, maaaring ipatupad ng mga fuel retailers ang rollback sa P4.30 per liter sa gasolina.

Habang asahan naman ang adjusment price sa Diesel, tataas ito ng halos ng P2.60 per liter. Epektibo na rin ang pagbaba sa piso kada litro sa presyo ng kerosene ngayong linggo.

Ayon naman kay Jetti Petroleum president Leo Bellas na dulot ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay ang humihinang demand at pagdami ng supply ng langis sa Asya at Estado Unidos.

Samantala, sinabi rin nito na ang tuloy-tuloy na pagtindi ng tensyon sa Gitnang Silangan ay patuloy na banta sa supply ng produktong petrolyo.