Posibleng ipapatupad ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
GASOLINE: P0.00 – P0.50 /L ⬆️
DIESEL: P3.00 – P5.00 /L ⬇️
KEROSENE: P2.00 – P3.00 /L ⬇️
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, hindi gaanong apektado ng tensyon sa pagitan ng Iran at Amerika ang pandaigdigang oil market at at kabuuang suplay ng langis.
Dahil dito, pabor aniya sa mga motorista ang pagtataya sa susunod na oil price adjustment, lalo na sa mga gumagamit ng diesel.
Samantala, kapag tuluyan nang naipatupad ang projected adjustment, inaasahang aabot na lamang ang presyo ng mga pangunahing petroleum products sa mga sumusunod:
GASOLINE: P85.50 – P0.50 /L ⬆️
DIESEL: P91.51- P93.51/L ⬇️
KEROSENE: P123.28 – P122.28 /L ⬇️
















