-- Advertisements --

Bahagyang bumaba ang presyo ng langis sa unang tatlong araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado matapos ang kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Mula Abril 6 hanggang 8, naitala ang pagbaba ng presyo ng diesel sa pinagkukunan ng ating supply.

Kung magpapatuloy ito, maaari umano ang rollback sa P2.50/l to P3.40/l sa diesel.

Habang sa halaga ng gasolina ay P1.00/l ang inaasahang bawas presyo.

Una rito, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, hindi dapat asahan ng mga Pilipino na agad babalik sa pre-war levels ang presyo ng petrolyo, kahit pa tuluyang huminto ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Binanggit niya na nananatiling mataas ang delivery costs at may mga nasirang oil infrastructure na nakakaapekto sa supply chain.