-- Advertisements --

Nakatakdang magpatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto sa susunod na linggo.

Base sa apat na araw na monitoring ng Department of Energy (DOE), inaasahan ang pagbawas ng hanggang P1.20 kada litro ng gasolina.

Samantala, ang diesel ay magkakaroon ng hanggang P1.70 bawas kada litro, at ang kerosene naman ay inaasahang bababa ng hanggang P1.75 kada litro.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng DOE sa pagbaba ng presyo ay ang nakatakdang pag-aayos sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa araw ng Lunes malalaman ang eksaktong halaga ng bawas-presyo, na ipapatupad sa Martes.