-- Advertisements --

Posibleng makaramdam ng pagbabago sa panahon at kalat-kalat na pagulan ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na 24 oras bunsod yan ng umiiral na shear line at dala na rin ng Northeast Monsson o Hanging Amihan ayon yan sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ito ay posibeng maramdaman sa malaking bahagi ng Visayas at sa Bicol Region partikular na sa Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate habang inaasahan naman ang bahagyang maulap at isolated rain showers sa Mindanao bunsod naman ng localized weather disturbances na posible namang maging dahilan ng mga pagbaha at landslide sa rehiyon.

Amihan naman ang makakaapekto sa magiging klima sa Metro Manila at sa buong Luzon na hindi naman nakikitaan ng malakas na epekto sa ngayon.

Samantala, bagamat walang pagulan na namomonitor sa malaking bahagi ng Luzon ay inaasahan pa rin ang malakas na hangin na siya namang magiging dahilan ng maaalon na karagatan at katubigan sa mga coastal areas.