Nananatili sa temporary shelters ang mga residenteng lumikas sa kahabaan ng Ilog Budhi Gandaki sa hilaga at gitnang bahagi ng Nepal matapos sirain ng biglaang baha o flash flood ang mga kabahayan at iba pang istraktura sa lugar.
Agad na nagpatupad ng paglikas ang National Disaster Risk Reduction and Management Authority ng Nepal at naglabas ng babala sa mga residente na lumipat sa mas ligtas na mga lugar habang patuloy na binabantayan ang antas ng tubig sa ilog.
Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang nasawi o nasugatan sa insidente habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng biglaang pag-apaw ng ilog na isa sa mga pangunahing daanan ng tubig malapit sa sentro ng Kathmandu.
Nangyari ang panibagong kalamidad habang patuloy pa ring bumabangon ang Nepal mula sa mawasak na baha noong nakaraang Agosto sa hangganan ng Nepal at China na kumitil sa buhay ng mahigit 1,400 na tao.
Inihayag naman ng tanggapan ni Nepal Prime Minister Balendra Shah nitong Lunes ang pagtatapos ng search and rescue operations upang ituon ang pansin sa rehabilitasyon at pag-aayos ng mga nasirang kalsada at tulay na tinatayang mangangailangan ng $4.77 bilyon.














