-- Advertisements --

Nagsagawa ng national day of mourning ang Nepal bilang pag-alala sa mahigit na 1,300 katao na nasawi dahil sa malawakang pagbaha.

Inilagay sa half-mast ang watawat ng Nepal na makikita sa mga opisina ng gobyerno at maging sa missions office sa ibang bansa.

Sa tradisyon na Hindua y nananatili sa loob lamang ng kanilang bahay ang mga malapit na kaanak ng mga nasawing biktima para magbigay respeto sa mga nasawi.

Wala na ring naganap na mga programa dahil karamihan sa mga rescue personnel ay patuloy ang paghahanap sa lugar kung saan naganap ang landslide.

Magugunitang noong Agosto 26 ng maganap ang pagguho ng malalaking bato at glaciers na tumama sa kailugan ng Himalayan border ng Nepal at Tibet Region.

Sa insidente ay umabot sa mahigit 1,300 katao na ang nasawi at mahigit 5,500 pa ang patuloy na hinahanap.