Patay ang pitong katao dahil sa hinihinalang gas poisoning sa loob ng isang minahan sa Itogon, Benguet.
Ayon sa Itogon Municipal Police Station, nangyari ang insidente noong Setyembre 30 sa Sitio Dalicno ng Barangay Ampucao.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Crisanto Igaan Gapacan Jr., 19-anyos ; Hill Limong Padon, 25; Alvin Lazaro Daniel, 21; Leonardo Bacuteng Pino, 62, Bryan Campos Madrid, 18, at Kenjie Igaan Mangayen, 19-anyos.
Base sa nakakita ng insidente ay mayroong tumawag sa kaniya na may ilang tao ang nahulog sa loob ng kuweba.
Agad itong humingi ng tulong sa kapulisan kung saan ng tunguhin ang lugar at ilabas ang mga biktima ay wala ng buhay ang mga ito.
Naniniwala ang mga kapulisan na maaring dahil sa gas poisoning kaya nasawi ang mga biktima.
Inaalam ng mga otoridad kung anong uri ng gas na naging sanhi ng pagkasawi ng mga biktima.
















