-- Advertisements --

Narecover ng mga rescuer sa Nepal ang apat na bangkay mula sa isang binahang hydropower tunnel sa Chilime, tatlong linggo matapos ang matinding flash flood na ikinasawi ng daan-daang katao at nag-iwan ng libu-libong nawawala.

Hinihingi ngayon ng mga pamilya ng mga biktima ang mas mabilis na aksyon mula sa pamahalaan habang patuloy na nakikipagbuno ang mga search team sa kapal ng putik at nasirang imprastraktura.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Authority ng Nepal, umabot na sa higit 1,400 ang kabuuang bilang ng mga narekober na bangkay mula sa sakuna habang pumapalo pa sa higit 5,000 katao ang nananatiling nawawala.

Nagsimula ang trahedya noong Agosto 26 nang magdulot ng malakas na agos ng tubig at putik ang paggumuho ng glacier sa kabundukan ng Trishuli River.

Nananatiling prayoridad ng mga awtoridad ang paghahanap sa mga nakulong na manggagawa sa higit 13 napinsalang hydropower plant sa kabila ng napakahirap na kundisyon sa loob ng mga pasilidad.