-- Advertisements --

Sinisimulan nang patubigan ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project sa Barangay San Isidro, Lupao, Nueva Ecija ang mahigit 900 hektarya ng mga sakahan sa buong taon.

Naabot na ng proyekto ang 918.54 hektarya ng mga lupang agrikultural sa mga barangay ng Balbalungao, San Isidro, Salvacion, at Mapampang.

Nilampasan nito ang lumang sistema ng patubig mula pa noong 1960 na dati ay kaya lamang magbigay-tubig sa 219 hektarya tuwing tag-ulan at 80 hektarya tuwing tag-init.

Pumalo sa 3,192.80 metric tons ang ani ng palay sa unang taniman tuwing tag-init ng 2025, habang umabot naman sa 3,628.50 metric tons ang naani tuwing tag-ulan dahil sa mas maayos na patubig.