Nakahanda ang Philippine Embassy sa New Delhi, India na magbigay ng suporta sa pamilya ni Dr. Juan Carlos Manalo, ang Filipino doctor na nananatiling nawawala matapos ang mapaminsalang flash flood sa Nepal.
Ayon kay philippine ambassador to India josel f. Ignacio, tinutulungan ng embahada ang pamilya ni manalo sa pagsunod sa kahilingan ng pamahalaan ng Nepal na magsumite ng DNA information ng mga kamag-anak ng mga nawawala upang makatulong sa proseso ng identification.
Patuloy din aniya ang search and rescue operations sa Nepal.
Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy at Philippine Honorary Consulate General sa Nepal sa mga awtoridad at responders upang mabantayan ang progreso ng paghahanap kay Manalo.
Si Manalo, 30-anyos na doktor mula Tarlac City, ay naglalakbay kasama ang isang pilgrimage group nang tumama ang flash flood at mudslide sa Nepal-China border noong Agosto 26.
Huling nakipag-ugnayan ang kanyang pamilya sa kanya noong Agosto 25 at mula noon ay hindi na siya matagpuan.
















