-- Advertisements --

Sisimulan ng Department of Agriculture (DA) ngayong Disyembre ang pamamahagi ng mga mobile solar irrigation system upang maibsan ang matinding epekto ng El Niño sa mga sakahan.

Ipapamahagi ang karamihan sa mga unit sa Enero 2027 kung kailan inaasahan ang pinakatindi ng tagtuyot o dry spell sa iba’t ibang rehiyon.

Maliban sa mga palayan at taniman ng gulay, malaki rin ang maitutulong ng mga kagamitang ito sa sektor ng livestock at aquaculture.

Ilalagay ang mga mobile system sa mga lugar na pinakaapektado ng El Niño at mayroong maaasahang mapagkukunan ng tubig.

Humiling ang DA ng 3 bilyong piso para sa mga proyekto ng irrigasyon mula sa programang UPLIFT, kung saan 1 bilyong piso ang nakalaan para sa mobile solar irrigation at 2 bilyong piso para sa mga regular na solar irrigation project.