Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) at Food and Agriculture Organization (FAO) ng mga hakbang upang palawakin ang access ng mga magsasaka sa mga abot-kayang teknolohiya at financing.
Nakatutok ang modernisasyong ito sa paggamit ng angkop na makinarya upang mapababa ang gastusin sa produksyon, matugunan ang kakulangan sa manggagawa, at mapataas ang ani ng mga maliliit na magsasaka.
Binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na hindi dapat maging pabigat sa mga magsasaka ang mga makinarya, kundi kailangang akma ito sa lokal na kalagayan at kakayahang pinansyal.
Tampok sa programa ang pagpapakilala ng mga digital solution, precision agriculture, at agricultural robotics, pati na ang pagtataguyod sa mga kababaihan at kabataan bilang mga innovator sa sektor.
Nilalayon ng buong hakbangin na matiyak na aabot sa mga maliliit na prodyuser at rural na komunidad ang mga pangmatagalang benepisyo ng modernisasyon sa agrikultura.














