-- Advertisements --

Tatlong linggo matapos ang hindi inaasahang flash floods at pagguho ng lupa sa hangganan ng Nepal at China, umakyat na sa 1,403 ang bilang ng mga nasawi sa Nepal.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority ng Nepal nasa 13,742 katao na ang nailigtas, habang 6,150 pa rin ang nawawala, kabilang ang 587 dayuhan.

Samantala, sa panig ng China, 43 katao naman ang kumpirmadong nasawi at 519 ang nawawala, kabilang ang 261 dayuhan sa Tibet, na tinatawag ng Beijing na Xizang Autonomous Region.

Naganap ang sakuna noong Agosto 26, matapos mabiyak ang isang glacier sa Mount Langtang Lirung, sa taas na humigit-kumulang 5,200 metro.

Malubhang naapektuhan ang mga distrito ng Rasuwa, Nuwakot, Dhading at Kavre, pati na rin ang Kathmandu Valley.

Patuloy naman ang rescue at recovery operations habang hinahanap ang libo-libong kataong hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.