-- Advertisements --
Patuloy na lumalakas ang Bagyong may international name na Cempaka habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h , batay sa inilabas na weather bullletin update ng weather state bureau nitong alas-11 ng gabi Nobyembre 8, 2026.
Namataan ang sentro nito sa layong 1,500 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, sa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Taglay nito ang lakas ng hanging 120 km/h at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.
Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR sa umaga ng Nobyembre 9 at papangalanang Samuel, ngunit hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon sa bansa dahil mananatili ito sa Philippine Sea.














