-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng weather state bureau ang bagyo na may International name na “Choi-Wan” sa labas ng Philippine Area of Responsibility nitong Sabado, Oktubre 3.
Batay sa monitoring ngayong 8:00 P.M, ang bagyo ay nasa layong 2,550 km East of Extreme Northern Luzon
Taglay ng CHOI-WAN ang maximun sustained wind na 150km/h habang umaabot naman sa 185 km/h ang pagbugso ng hangin.
Kumikilos ang bagyo patungong North- Northeast sa bilis na 15km/h.
Sa kasalukuyan, wala pa sa loob ng PAR ang bagyo, Gayunman, patuloy itong mino-monitor dahil maaaring magbago ang posisyon, lakas, at direksiyon nito habang kumikilos sa karagatan.
















