Bahagyang humina ang Super Typhoon Rosal habang kumikilos pa-kanluran-hilagang-kanluran sa karagatang silangan ng Hilagang Luzon, ayon sa weather state bureau.
Batay sa bulletin weather update ng weather bureau ngayong araw Oktubre 21, 2026, 4:00 P.M, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 725 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, taglay ang lakas ng hanging 205 km/h at pagbugsong hanggang 250 km/h. Kumikilos ito sa bilis na 25 km/h.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes, habang Signal No. 1 naman sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Apayao, at Catanduanes.
Inaasahang lalapit ang Rosal sa Extreme Northern Luzon mula Huwebes ng hapon hanggang Biyernes ng umaga, posible rin itong unti-unting humina at maging typhoon pagsapit ng Biyernes, bago lalo pang humina malapit sa Taiwan dahil sa hindi kanais-nais na mga kondisyon.














