-- Advertisements --

Napanatili ng super typhoon Rosal ang lakas nito habang kumikilos pahilagang-kanluran sa karagatang silangan ng Hilagang Luzon, ayon sa weather state bureau nitong Miyerkules, Oktubre 21, 2026.

Batay sa bulletin weather update nitong alas-10 ng umaga, namataan ang sentro ng bagyo 845 kilometro silangan ng Hilagang Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 215 km /h at pagbugsong umaabot sa 265 km/h. Kumikilos ito sa bilis na 25 km/h West northwestward

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes habang Signal No. 1 naman sa Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, ilang bahagi ng Isabela, Ilocos Norte, Apayao, at hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes.

Nagbabala rin ang weather bureau sa malalakas na ulan, bugso ng hangin, at mapanganib na alon sa mga baybaying apektado ng bagyo.