-- Advertisements --

Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang tinatayang nagkakahalagang mahigit P3 milyong halaga ng mga hinihinalang ipinuslit na sigarilyo sa Barangay Tacub, Pindolonan, Marantao, Lanao del Sur, noong Nobyembre 7, 2026.

Narekober ang mga kontrabando matapos makatanggap ng impormasyon ang Marantao Municipal Police Station (MPS) mula sa mga opisyal ng barangay hinggil sa ilang kahon ng sigarilyong iniwan ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal na sakay ng tatlong sasakyan.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Marantao MPS, katuwang ang Provincial Special Operations Group (PSOG) ng Lanao del Sur Police Provincial Office (LDSPPO), at matagumpay na narekober ang mga nasabing kontrabando.

Nasa kustodiya na ng Marantao MPS ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa dokumentasyon at nakatakdang turnover sa Bureau of Customs (BOC) para sa kaukulang disposisyon.