-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang liquid marijuana sa Port of Matnog noong Nobyembre 8, 2026.

Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P1,700. Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ang isang vape cartridge na may dilaw na likido, dalawang glass tube na may residue, at iba pang personal na gamit.

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang gamit sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon.

Isasailalim sa laboratory examination ang nakumpiskang likido upang matukoy ang komposisyon nito. Posible namang maharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na pinaiigting ng Philippine Ports Authority (PPA) at mga katuwang na ahensya ang seguridad sa mga pantalan upang maiwasan ang pagdadala ng ilegal na droga at iba pang kontrabando.