-- Advertisements --

Inendorso ni U.S. President Donald Trump si Japan’s Prime Minister Sanae Takaichi bago ang nakatakdang snap election sa bansa na gaganapin sa Linggo.

Sa isang post sa Truth Social, pinuri ni Trump si Takaichi bilang malakas, matalino, at tunay na nagmamahal sa kanyang bansa. Hindi rin daw pababayaan ni Takaichi ang mamamayan ng Japan.

Bihira para sa mga U.S. president na direktang sumuporta sa kandidato sa ibang bansa, ngunit nakaraang sumuporta si Trump kina President Javier Milei sa Argentina at Viktor Orban sa Hungary.

Bihira para sa U.S. President na direktang sumuporta sa mga kandidato sa ibang bansa pero hindi ito ang unang nag-indorso si Trump, una na riyan sina Javier Milei ng Argentina, at Viktor Orban ng Hungary.

Maalalang naging mabuti ang relasyon ni Takaichi kay Trump mula nang ma-upo ito bilang PM noong Oktubre, kabilang ang pagbibigay ng red carpet welcome sa Akasaka Palace at pagbisita sa USS George Washington.

Pareho nilang pinagtibay ang kooperasyon sa defense at pumirma rin ng kasunduan sa rare earths, na tinawag nilang simula ng “golden age” ng ugnayan ng US at Japan.

Para naman sa mga eksperto ang endorsement ni Trump ay mensahe rin sa rehiyon, partikular sa China, sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Beijing at Tokyo, lalo na sa teritoryong sakop ng Taiwan.

Bagama’t inaasahang mananalo si Takaichi, haharapin niya ang mga batikos sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Japan at sa pagpapanatili ng balanseng ugnayan sa Amerika at China.