-- Advertisements --

Kinondena ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang may-ari ng kabayo na nag-viral sa social media matapos itong mahila sa likod ng umaandar na pickup truck sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental.

Batay sa kumalat na video ang kabayo ay tila napapagod na at nahihirapang huminga habang nakakaladkad sa isang lugar na kilala bilang Dragon Tail, isang kurbado at mahirap na daan.

Ayon kay PETA Senior Campaigner Jana Sevilla, malinaw umano na exhausted na ang kabayo.

Kinumpirma rin ng isang veterinarian na ang posisyon ng kabayo sa dulo ng video ay malinaw na tanda ng pag-kapagod, at hindi rin umano normal ang reaksyon nito sa karaniwang training ng mga kabayo.

Nagpahayag rin ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na mag-file ng kaso, at posibleng kasuhan ang may-ari ng kabayo para sa maltreatment sa hayop.

Nabatid na ang kabayo ay kinilalang si ”Kabang,” tatlong taong gulang, at pag-aari ni Jose Castro Jr., na siya ring driver sa naturang video.

Buwelta ni Castro, bahagi ang naturang viral video ay bahagi aniya ng training method na ginagamit niya na nang higit sampung taon para sa kanyang kabayo.

Sinabi rin niya na si Kabang ay ginagamit para sa ranch work at trail-ride recreation. Siya din daw ay “super close” sa hayop.

Ayon pa kay Castro, 10–20 km/h lamang ang bilis ng truck niya habang minomonitor ang kondisyon ng kabayo. Dagdag niya pa, ang hakbang ay bahagi ng endurance training at road familiarization ng kabayo.