Isang pusang buntis ang pinulot at pagkatapos ay inihagis sa tulay ng isang lalaki sa Indang, Cavite, na nag-viral sa social media ngayong linggo.
Ayon sa depensa ng suspek, inakala niyang patay na ang pusa matapos itong masagasaan.
Lumabas ang video ng pag-itsa ng lalaki sa pusa noong Martes, ayon sa ulat ng pulisya.
Sinabi naman ng isang animal welfare group na hinanap nila ang pusa nang may ulat na buhay pa ito, ngunit nabigo silang makita ang hayop.
Maghahain sila ng reklamo laban sa akusado para sa paglabag sa batas laban sa pananakit ng hayop.
Natukoy na ang akusado ay isang college freshman na nagsabing inakala niyang patay na ang pusa matapos itong masagasaan.
Humingi naman siya ng patawad sa kanyang nagawang pagkakamali at handa rin siyang harapin ang isasampang reklamo.















