Tinanggap na ng Office of the Prosecutor sa Bontoc ang reklamo kaugnay ng brutal na pagpatay sa isang American Bully na aso na nagngangalang Axle sa Sadanga, Mountain Province noong Disyembre 4.
Kung saan na-kuhaan sa CCTV ang pananakit sa isang aso.
Napagalaman na ito na ang ikatlong pagtatangka ng pulisya na magsampa ng kaso sa akusado dahil sa kakulangan ng ebidensya. Kung kaya’t opisyal na inirefer ng Sadanga police ang kaso noong Disyembre 15 sa Provincial Prosecutor’s Office, Bontoc, para sa paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act.
Ang hakbang ay upang panagutin at bigyan ng hustisya ang mga hayop, habang tiniyak ng Mountain Province police na naging mas matibay ang kaso laban sa suspek, na ayon sa Philippine Animal Welfare Society ay isang driver ng staff ng lokal na opisyal ang pumatay sa aso.















