-- Advertisements --

Nangako si Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, na gagawing mas madali at accessible ang pamamahagi ng tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ani Tulfo, lilimitahan sa dalawang dokumento lamang ang kailangan para makakuha ng tulong, gaya ng valid ID at hospital bill para sa medical assistance, at aalisin narin ang mga lumang requirement tulad ng Certificate of Indigency, notarized affidavit, marriage certificate, at Social Case Study Report.

Kasabay nito, iniutos rin ng Senador sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipaalam agad sa mga local officials na bawal na ang pakikialam ng pulitiko sa government aid, lalo na’t papalapit ang halalan.

Tumugon ang DILG sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2026-066, na nagbabawal sa paggamit ng pangalan o larawan ng mga opisyal sa anumang proyektong pinondohan ng gobyerno.

Kung maisasabatas ang AICS bill, planong itaas ang programa bilang bureau para sa mas maayos na staffing at implementasyon.