-- Advertisements --

Bigong magpakita muli si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagbabalik ng sesyon ng senado ngayong Lunes. Matapos ang huling pagpasok nito noong Nobyembre ng nakaraang taon. 

Sa muling pagbukas ng sensyon ng senado, 22 senador lamang ang dumalo kung saan tanging si Dela Rosa lamang ang wala. 

Sa isang ambush interview sinagot ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi parin niya personal na nakakausap ang senador. Aniya, ikinagulat niya rin umano kung paano ito nakapirma sa inilabas na minory report ng minority bloc kaugnay ng pagdinig ng blue ribbon committee sa mga umano’y anomalya sa flood control projects. 

Dagdag pa ni Sotto, wala rin umano siyang kinalaman sa kinaroroonan ni Dela Rosa. 

Samatanla, hindi na muling nakita pa si Dela Rosa matapos ang huling pasok nito sa senado noon Nobyembre ng nakaraang taon kaugnay ng umano’y pagsisilbi ng warrant of arrest laban sakanya galing sa International Criminal Court hinggil sa kanyang partisipasyon sa war on-drugs noong administrasyong Duterte kung saan nahaharap ito sa kasong Crimes against humanity.