-- Advertisements --
Nagpaabot ng pagbati si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-64 kaarawan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa ginawang pagbisita ni Vice President Sara Duterte sa ama nito na nakapiit sa International Criminal Court (ICC) facility sa The Hague, Netherlands, ay ipinaabot ng dating pangulo ang pagbati.
Sinabi nito na dapat magpakatigas ang senador na parang bato.
Si Dela Rosa ay naging PNP chief sa termino ni Duterte kung saan mula ng umanoy lumabas ang warrant of arrest nito sa ICC ay hindi na nagpakita pa ang senador.
















