-- Advertisements --

Natagpuan ng personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang patay na lalaki na lumulutang sa Estero de San Miguel, Quiapo, nitong Enero 23 habang nagsasagawa ng waste segregation at trash disposal.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nakasuot ang biktima ng brown na shirt, itim na shorts, at black eyeglasses, at nasa advanced stage ng decomposition.

Walang nakitang sugat sa katawan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng kanyang pagkamatay.