-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inamin ni Vice Gov. Matthew Marcos Manotoc na nag-uusap na ang kanilang pamilya hinggil sa 2028 elections.

Ayon sa kanya, malayo pa ang 2028 pero malapit na rin ang taong ito kaya kailangan nilang isipin kung ano ang kailangang gawin ng kanilang pamilya sa mundo ng pulitika.

Aniya ito na ang huling termino ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba kung kaya’t dapat lamang silang mag-usap-usap sa mga susunod na hakbang na gagawin.

Paliwanag niya, isa ang kanilang pamilya ang naapektuhan ng political dynasty ngunit iginiit niya na ang kapakanan pa rin ng mga tao ang kanilang uunahin.

Dagdag pa niya na bagama’t itinuturing na nasa political dynasty ang pamilya Marcos, maraming patunay at pagbabago sa ilalim ng kanilang pamumuno sa lalawigan.