-- Advertisements --
Idudulog ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema sa araw ng Lunes, Setyembre 28 ang kaniyang petisyon matapos na gawing batas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Dagdag pa ni Macalintal na kasama na rin dito ang ginawang pagpapalawig ng termino ng mga barangay at SK officials.
Mahalaga din aniya na ituloy ng Commission on Elections ang kanilang paghahanda para sa Barangay at SK elections.
Magugunitang tuluyan ng pinirmahan ni Pangulong Marcos ang pagpapaliban ng halalan at pagpapalawig ng termino ng mga barangay at SK officials.















