Vp Sara, sinabing hindi pa napag-usapan ang presidential bid ni Mayor Baste; Rep Ortega, tinawag naman itong ‘drama lang’
Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na hindi nila napag-usapan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang posibilidad na tumakbo ito bilang pangulo sa 2028 elections.
Ayon kay Vice President Sara Duterte na hinimok siya ng kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman na umuwi sa Davao at ang kanyang kapatid na si Davao city Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang tumakbo sa national elections.
Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi nila napag-usapan ni Mayor Baste ang posibilidad na tumakbo ito bilang pangulo sa 2028.
Samantala, tinawag naman ni House Deputy Speaker Paolo Ortega na “Drama lang” ang pahayag ng Bise Presidente tungkol sa posibilidad na tumakbo sa pagka-pangulo ang kanyang kapatid.
Matatandaang una nang inanunsyo ni VP Duterte noong Pebrero na tatakbo siya bilang pangulo sa 2028 polls.
















