-- Advertisements --

Arestado ang isang US Marine dahil umano sa pagpatay sa isang babae sa Okinawa, Japan.

Kinilala ang suspek na si Devin Jacob Ballard, 20-anyos at nakatalaga sa US Marine Corps Air Station Futenma.

Habang ang biktima ay si Yagi Anna, 39-anyos.

Ayon kay Japanese Defence Minister Shinjiro Koizumi natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang hotel sa Naha City.

Tiniyak naman ng US Marine Corps na sila ay nakikipagtulungan sa mga otoridad ng Japan.

Ilang US military bases ang matatagpuan sa Okinawa, Japan kung saan ilang libong mga sundalo ng US ang nakatalaga doon.